Good day po mga ka-TAG, nakakita ka ng ganitong LED na bombilya?
Habang kasalakuyang siyang umuusok ng konte habang naka-sindi siya sa kisame. Ganyan ang nangyari nang makita ko ito at agad kong i-turn off ang switch na.
Yung kulay berde na nakikita ninyo ay isang electrolytic capacitor may rated na 47uF at minimum na 50vDC, ibig sabihin ito'y isang polarized na capacitor.
Ang isa pang kapansin-pansin dito ay ang pagkaumbok niya sa itaas na bahagi ng electrolytic capacitor. Ngunit nagbibigay ito ng palatandaan na malapit na siyang pumutok dahil hindi na niya kayang magcharge ng kuryente.
Bago mo simulan ang pagtanggal sa electrolytic capacitor, gumamit ka ng bokilya na may round base upang hawakan niya patayo ang LED na bombilya.
Tapos kung meron kang desoldering pump at soldering iron mapapabilis ang pagtanggal ng nasirang electronic device. Mas lalong mapapabilis ang pagtanggal kung meron kang 2 in 1 desoldering iron.
Alam ninyo sa tagal ko sa paggamit panghinang may mga ibang printed circuit board ang hirap tunawin ang nakahinang na device. Kahit mataas na wattage ang soldering iron tulad ng ginagamit kong ito ay 80 watts na.
Suriin ang kalagayan ng nakaumbok na electrolytic capacitor gamit ang analog multi-tester na nakalagay sa pangsukat ng resistance at naka-set sa range na x1K. Dito mo malalaman kung may leakage o wala na maliwanag mo makikita kung magcha-charge ng kuryente.
Kahit normal pa rin ang condition niya sa charging, pero physically hindi na siya maganda tignan. Dahil malapit na siyang pumutok ang nasa bahaging itaas niya.
Eto ang i-papalit ko, pero suriin ko muna ang status niya.
Pareho din ang resulta, halos magkapareho na ng charging ng kuryente.
Punta na man tayo sa LED testing kung alin sa kanila ang hindi functional o damaged na at mahina na ang liwanag. Gamit din ang pangsukat ng resistance, kahit alin range ang gusto mong i-set. Kung x1, x10, x100, x1k o x10k.
Suruin ang mga iba pang SMD o surface mount device tulad ng bridge rectifier diode at resistors. Gamitin ang buzzer mode ng analog multi-tester mo kung shorted o hindi. Dito mo inaalam ang mga kalagayan nila kung shorted o putol, lalo't lalo na ang bridge rectifier diode may apat na pin.
Kung may reserba kang ganitong PCB ng LED na bombilya, dito ka na kukuha ng LED kung alin ang functional sa kanila.
Tanggalin ang sirang LED gamit ang hot-air soldering station.
Ilagay mo na ang napili mong LED dito sa PCB, gamit uli ang hot-air soldering station. Paalala mga ka-TAG, ingat sa paggamit nito pwedeng masunog ang SMD na hinihinang mo.
Ilagay mo na rin ang electrolytic capacitor sa dalawang butas ng PCB. Siguraduhin hindi baligtad ang pagkalagay niya sa dalawang butas, kung hindi puputok yan matapos mong i-switch sa AC power line. Hindi naman mahirap unawain ang nakamarka sa electrolytic capacitor at sa PCB, dahil may giya kang sinusundan dito.
Ngayon i-assemble mo na ang LED bulb at siguraduhin ang dalawang kawad nito hindi malapit na maputol sa pagkahinang nila.
Subukan uli kung may aberya pang makikita pagkatapos mong sindihan ito.
Narito ang aking video at inyong panoorin ito.

















No comments:
Post a Comment