Hello po mga ka-TAG, ang atin aayusin naman ay itong generic laptop adaptor o charger. Ngunit wala siyang brand name na kung anong pangalan ng maypagawaan o pabrikante na gumawa sa kanya. Siguro ikinahihiya siya yung gumawa sa kanya at itinatanggi na made in China.
Ang problema sa charger na ito ay walang power kahit yung green LED indicator niya, ayaw niyang umilaw makikita ito malapit sa charging cable niya.
Subukan natin na kung bakit ayaw umandar kahit i-plug mo sa AC power line na extension outlet.
Simulan na natin i-check sa area ng power plug receptacle na kung saan katabi niya ang mga fuse, inductor coil, thermal resistor at bridge rectifier diode. Ang gagamitin natin pangsuri ay ang simple continuity tester na ginawa ko o kaya gamitin mo ang analog o digital multitester na naka-set sa buzzer mode.
Narito ang inductor coil may apat na lead wire pero putol ang isa nito.
Gamitin ang small cutter blade o anumang uri ng panggasgas na alam mo na pwedeng alisin ang naka-coated na ginto bilang insulator niya.
Subukan mo uli ang mga apat lead wire niya gamit ang analog multi-tester na nakalagay sa pangsukat ng resistance at naka-set sa range na x1 o kaya naka-set sa buzzer mode. Subalit kung digital multitester naman ang gamit mo pwede na rin ang resistance o buzzer mode.
Ilagay mo na uli sa pwesto niya ang inductor coil na may apat na lead wire gamit ang soldering iron at lead wire. Ang kagandahan lang sa printed circuit board o PCB na ito ay madali mong matanggal at idugtong uli sa panghinang kahit na made in China pa ito. Yung nga lang generic ang laptop adaptor o charger.
Subukan uli ang laptop adaptor o charger kung may aberya pa ito.
Paalala lang uli mga ka-TAG, kung umandar ng maayos itong laptop adaptor o charger, ingat sa electrolytic capacitor nito dahil may kuryente pa sa loob matapos mong i-plug out sa extension outlet.










No comments:
Post a Comment