Wednesday, June 26, 2024

Electrolytic Capacitor and SMD LED Replacement of OneStar LED Bulb [ST-2075]

Good day po mga ka-TAG, nakakita ka ng ganitong LED na bombilya?

Habang kasalakuyang siyang umuusok ng konte habang naka-sindi siya sa kisame. Ganyan ang nangyari nang makita ko ito at agad kong i-turn off ang switch na.

Yung kulay berde na nakikita ninyo ay isang electrolytic capacitor may rated na 47uF at minimum na 50vDC, ibig sabihin ito'y isang polarized na capacitor.

Ang isa pang kapansin-pansin dito ay ang pagkaumbok niya sa itaas na bahagi ng electrolytic capacitor. Ngunit nagbibigay ito ng palatandaan na malapit na siyang pumutok dahil hindi na niya kayang magcharge ng kuryente.

Bago mo simulan ang pagtanggal sa electrolytic capacitor, gumamit ka ng bokilya na may round base upang hawakan niya patayo ang LED na bombilya.

Tapos kung meron kang desoldering pump at soldering iron mapapabilis ang pagtanggal ng nasirang electronic device. Mas lalong mapapabilis ang pagtanggal kung meron kang 2 in 1 desoldering iron.

Alam ninyo sa tagal ko sa paggamit panghinang may mga ibang printed circuit board ang hirap tunawin ang nakahinang na device. Kahit mataas na wattage ang soldering iron tulad ng ginagamit kong ito ay 80 watts na.

Suriin ang kalagayan ng nakaumbok na electrolytic capacitor gamit ang analog multi-tester na nakalagay sa pangsukat ng resistance at naka-set sa range na x1K. Dito mo malalaman kung may leakage o wala na maliwanag mo makikita kung magcha-charge ng kuryente.

Kahit normal pa rin ang condition niya sa charging, pero physically hindi na siya maganda tignan. Dahil malapit na siyang pumutok ang nasa bahaging itaas niya.

Eto ang i-papalit ko, pero suriin ko muna ang status niya.

Pareho din ang resulta, halos magkapareho na ng charging ng kuryente.






Punta na man tayo sa LED testing kung alin sa kanila ang hindi functional o damaged na at mahina na ang liwanag. Gamit din ang pangsukat ng resistance, kahit alin range ang gusto mong i-set. Kung x1, x10, x100, x1k o x10k.

Suruin ang mga iba pang SMD o surface mount device tulad ng bridge rectifier diode at resistors. Gamitin ang buzzer mode ng analog multi-tester mo kung shorted o hindi. Dito mo inaalam ang mga kalagayan nila kung shorted o putol, lalo't lalo na ang bridge rectifier diode may apat na pin.

Kung may reserba kang ganitong PCB ng LED na bombilya, dito ka na kukuha ng LED kung alin ang functional sa kanila.

Tanggalin ang sirang LED gamit ang hot-air soldering station.

Ilagay mo na ang napili mong LED dito sa PCB, gamit uli ang hot-air soldering station. Paalala mga ka-TAG, ingat sa paggamit nito pwedeng masunog ang SMD na hinihinang mo.

Ilagay mo na rin ang electrolytic capacitor sa dalawang butas ng PCB. Siguraduhin hindi baligtad ang pagkalagay niya sa dalawang butas, kung hindi puputok yan matapos mong i-switch sa AC power line. Hindi naman mahirap unawain ang nakamarka sa electrolytic capacitor at sa PCB, dahil may giya kang sinusundan dito.

Ngayon i-assemble mo na ang LED bulb at siguraduhin ang dalawang kawad nito hindi malapit na maputol sa pagkahinang nila.

Subukan uli kung may aberya pang makikita pagkatapos mong sindihan ito.


Narito ang aking video at inyong panoorin ito.



Enhance the Circuit Connection of Light Bulb Socket Extension

Good day po mag ka-TAG, narito may isa pa tayong aayusin na bulb socket na may rocker switch. Ang problema lang sa bokilya ito ay laging napuputol ang pagkakakonekta niya sa dalawang wire ng zip cord o power cord sa loob ng socket shell. Nabili ko lang ito sa murang halaga pero low quality na may panganib na dala-dala ito.

Simulan na natin buksan ang kanyang socket shell cap na may dalawang tornilyo gamit ang small philip screwdriver.

Ngayon narito ang kanyang pangit na kalagayan sa loob nito. May dalawang tornilyo nakalitaw ang kanilang matutulis na bahagi, tila mga tornilyo na pangbakal o metal screw ang ginamit na inilagay. Ang dalawang tornilyo nito ay nagsisilbing mga taga-hawak sa inner socket piece at hot contact na nasa gitna sa bahaging ibaba nito.

Alisin ang mga dalawang tornilyo, ewan ko ba kung bakit ito ang kanilang inilagay. Kahit gumamit ka ng panghinang para idugtong ang power cord matatanggal din. 

Narito ang mga ipapalit kong mga tornilyo, ang tawag nila sa mga ito ay machine screw na may Philip pan head.

Imbes na panghinang para idugtong ang power cord, itong mga non-insulated ring type terminals ang gagamitin kong kapalit.

Kapag hindi mo maipasok ng maayos ang rocker switch dahil sa mahabang machine screw, subukan palitan ng maiksing machine screw.

Subukan kung may aberya pa ang socket na ito, lalo't-lalo na ang rocker switch niya.

Narito ang aking video at inyong panoorin ito.



Broken Pull Chain of 250vAC 3A SAKURA Bulb Socket Adapter [SKR 104]

Good day po mga ka-TAG, siguro nakakita na kayo ng ganitong bokilya ng bombilya na may dalawang polarized flat pin outlets. Subalit naputol ang pull chain niya mula sa loob ng bokilya dahil sa matagal na paulit-ulit na paghila sa pull chain niya.


Tanggalin muna ang aluminum thread sa taas niya, siguraduhin kung may dalawang bingaw o notch sa gawing itaas o wala madali muna matanggal iyan.



Alisin ang tornilyo sa gitna ng dalawang polarized flat pin sa pammamagitan ng small philip screwdriver.

Pagkatapos hilahin mo ng pahiwalay ang dalawang socket shell niya upang makita mo ang nasa loob nito.

Bago natin idugtong ang pull chain alisin muna ang inner aluminum socket piece na may dalawang copper pin. Kaya ito ang nagsisilbing neutral connection para sa naka-markang ribs sa zip cord o power cord.

Kung nakita mo na ang hook o kawit niya, iluwang ng konti para maipasok mo ng maayos ang pull chain gamit ang small long nose plier.

Kung unang beses mo lang maglalagay ng ganitong pull chain, subukan mo ang mga ibat-ibang paraan na alam mo upang mailagay mo ng maayos ang pull chain. Dito mo matutuklasan kung ano ang madaling paraan upang maikawit mo.

Kung tagumpay na ang pagkakawit niya, isara mo na ito gamit ang small long nose plier. Ipitin ng konti para hindi na niya matanggal gaya ng isang alimago na umipit sa iyo na ayaw ka niya pakawalan dahil gusto ka niya😆.

Ilagay uli ang inner aluminum socket piece na may dalawang copper pin at subukan ang pulling switch kung maayos na ba o hindi.

Pagkatapos ilagay mo na ang kanyang kalahating socket shell upang takpan mo gayundin ang aluminum thread sa taas niya.


Kung hindi pa nakabaon ang mga notch niya, kaya lagyan mo ng dalawa gamit ang small flat screwdriver.

Subukan sa multi-tester mo na naka-set sa pangsukat ng resistance, Kung may connection o wala at siguraduhin hindi ito shorted bago mo subukan sa AC power line sa outlet.


Subukan mo sa AC power line para makita ang resulta. 


Narito ang aking video at inyong panoorin ito.



Saturday, June 22, 2024

Boost the Spin of a Fan Blade via Two Capacitors In Parallel Connection

Good day po mga ka-TAG, naka-encounter ka na ba ng ganitong na mahina ang buga ng hangin gayundin ang kanyang ikot ng blade fan niya. Kung nabuksan mo na ang nasa loob ng motor fan ang kanyang shafting o baras ay hindi naman gasgas sa bahagi niya na kung saan nakalagay ang mga dalawang bushing. Subalit ang mga dalawang bushing din ay hindi pa maluwang, saktong-sakto pa ang butas nila sa shafting o baras.

Ang dahilan talaga kung bakit mahina ang buga ng hangin ay ang motor winding niya kahit pinalitan mo ng bagong non-polarized capacitor, ganun din ang kalalabas ng ikot ng blade fan niya. Kaya ang magnetic field pinapalabas ng motor windings ay mahina na.

Suriin natin upang makita ninyo ang galaw ng binder clip na itinali ko upang tangayin o itulak niya palayo. 

Alamin muna natin ang wiring diagram ng electric stand fan. Nakikita ninyo ang symbol ng non-polarized capacitor sa gawing ibaba, ibig sabihin isa lang ang dapat nakalagay na capacitor sa motor fan.





Ngunit sa aking natuklasan pwedeng naman idagdag pa ng isa pang non-polarized capacitor sa ganitong kalagayan ng electric fan. May karagdagan pa ako sa natuklasan kong technique, hindi pala sa lahat uri ng brand ng electric fan ay pwede ito. Ang mangyayari ay masusunog ang motor fan dahil mataas ang value ng thermal fuse niya sa loob ng motor winding. Kaya kabaligtaran ang mangyayari imbes masagip ang motor winding masyado palang mataas ang value ng thermal fuse niya.

Alam ninyo dalawang beses ko pa lang ito sinubukan. Yung unang subok ko sa brand na ito ay tumagal naman ng 3 years, pero sa ibang brand na electric fan ay nasunog ang motor winding kaya hindi umabot ng dalawang araw.


Paalala lang mag ka-TAG, ang technique na ito ay pwede ninyo gamitin o hindi nasa inyong disisyon kung gusto niyo. Hindi ako mananagot kung hindi mo sinunod ng tama ang mga instruction na binanggit ko dito.

Tignan ang value na nakalagay sa non-polarized capacitor sa motor fan. Ito naman ang isa pang non-polarized capacitor na 1uF idadag natin. Kaya ang mangyayari sa kanila ay parallel connection ang resulta sa pagka-sanib nila. Eto ang maikling wiring diagram nila, ang kabuuang value ay 2.7 uF.

Simulan na natin ang paglalagay ng isa pang non-polarized capacitor na 1 uF sa pamamagitan ng splicing at insulation ng electrical tape o closed end splice connector.

Subukan na natin kung gaano na bang kalakas ang buga ng hangin para tangayin ang binder clip na ito.

Kita ninyo ang resulta na malakas na ang ikot ng blade fan niya gayundin ang buga ng hangin.