Friday, July 26, 2024

Exchanging the DC Cable of Sony Vaio Laptop Adapter without Cut

Good day po mga ka-TAG, naka-ilan ka ba ng laptop adaptor para sa laptop o netbook nang dumating ang oras na ayaw na niyang magcharge o walang kuryente inilalabas?

Tulad nitong pang-sony laptop adaptor ayaw na niyang magcharge pero ang kanyang power cord o zip cord ay okay naman wala siyang putol. Nakikita ninyo ngayon habang naka-plug in sa power outlet may kuryente naman ang dalawang butas na semi-round plug nito.



Dumako na naman tayo sa pagtatanggal ng adaptor shell o casing niya, ingat lang sa pagbubukas nito pagkatapos mong i-plug in sa power outlet dahil ang mga electrolytic capacitors na nasa loob may kuryente pa. Sapagkat parang mga pansamantalang batterya na nagkaroon ng kuryente matapos silang ma-charge.


Alisin ang buong main board o PCB niya gamit ang small longnose plier, upang maiwasan mong hawakan ang aluminum heat sink niya at hindi ka makukuryente sa mga electrolytic capacitor nito. Kaya mas maigi na mag-ingat kaysa walang ingat, alin ba sa kanila ang gusto ninyo mga ka-TAG?

Narito ang buong anyo ng mga nakakonektang electronic components matapos tanggalin ko ang natatakpan na insulated foam.

Ngayon nakabili ako ng bagong sony laptop adaptor subalit may pagkakaiba pala ang kanilang DC plug. Hindi mo talaga magagamit ang bagong laptop adaptor ito kung ang DC plug nito ay may kalakihan.


Ito ang naisip kong paraan upang magamit ko ito ay buksan ang adaptor shell o casing para tanggaling ang buong DC cable niya.


Alisin ang buong main board o PCB niya sa pagkakadikit niya sa kalahating adaptor shell o casing. Alamin mo na rin ang mga dalawang colored coded wires ng DC cable nito gayundin ang mga naka-markang polarized sa pagkakakonekta nila sa PCB.

Alisin mo ang kanilang pagkakahinang ng dalawang kawad na ito gamit ang desoldering pump at soldering iron. Kung mayroon kang 2 in 1 desoldering iron isang kamay na lang ang gagamitin mo dito.


Marunong naman makisama pala ang buong main board o PCB nito, hindi ako pinahirapan tanggalin ang kanilang pagkakahinang kaysa sa ibang PCB na-encountered ko.

Yung naman dating sony laptop adaptor ay kailangan mo na rin alisin ang kanilang pagkakahinang sa PCB ang DC cable nito. Dahil ito ang gagamitin mong pamalit sa bagong sony laptop adaptor.


Alamin ang mga polarized cable nito kung alin sa kanila ang positive at negative gamit ang analog multitester na nakalagay sa pangsukat ng resistance at naka-set sa range na x1. Subalit kung digital multitester naman ang gamit mo pwede na rin ang resistance o buzzer mode.

Pagkatapos mong alamin ang kanilang polarized connection, idugtong mo na ang mga dalawang kawad na ito gamit ang panghinang at lead wire. Ingat lang pagdudugtong sa kanila baka magkakaroon ng short circuit.


Lagyan mo ng melting glue stick ang mga dalawang kawad nito upang hindi maputol agad dahil wala na silang insulator.

Ilagay mo na uli ang kanyang adaptor shell o casing niya para subukan uli paandarin sa power outlet.

Suriin ang inilalabas niyang boltahe kung ilan talaga, gamit ang digital multitester na nakalagay sa pangsukat ng direct current at naka-set sa 20 volts.

Subukan i-plug in sa sony laptop kung kaya ba niya ang output ng sony laptop adaptor.



Sunday, July 21, 2024

Removing Type A USB Port for Powerbank Mode of Basic Phone ZH&K [King-1]

Hello po mga ka-TAG, nakagamit ka na ba ng ganitong basic phone na may universal portable charger. Subalit ang may-ari nitong basic phone ay walang masyadong alam sa kanyang ibang features, na kung bakit natanggal ang USB port niya sa loob nito. Kaya malalaman natin ang nasa loob nito ang dahilan ng kanyang pagkatanggal niya sa main board matapos mabuksan ito.


Una tanggalin ang battery cover at ang battery nasa loob nito.


Pangalawa tanggalin ang mga anim na malilit na tornilyo gamit ang small philip screwdriver.

Pangatlo tanggalin ang mga dalawang side cover niya gamit ang spudger tool.

Pang-apat tanggalin ang back panel cover niya gamit din ang spudger tool.

Eto ang USB port niya pero may missing pin kaya tatlo na lang ang natitira sa kanya.

Subalit hindi mo mailalagay uli sa dati niyang pwesto dahil ang mga dalawang copper foil sa printed circuit board ay naputol nang tuluyan. Kaya ang desisyon ko ay huwag na pilitin idugtong uli dahil manipis ang copper foil at makipot ang posisyon ng USB port. Hindi lang yun nawawala pa ang isang pin sa loob ng USB port.

Siguro natanggal ito palabas sa butas nito at ibinalik uli sa loob. Ewan kung sino ang salarin ang may-ari ba? o yung humiram sa kanya?

Pwede naman umandar uli ito kahit wala iyon. Gaya ng isang tao natanggalan ng appendix o isang kidney ay buhay parin siya.

Friday, July 19, 2024

No Power of Generic Laptop Adaptor Due to Disconnected Inductor Coil

Hello po mga ka-TAG, ang atin aayusin naman ay itong generic laptop adaptor o charger. Ngunit wala siyang brand name na kung anong pangalan ng maypagawaan o pabrikante na gumawa sa kanya. Siguro ikinahihiya siya yung gumawa sa kanya at itinatanggi na made in China.

Ang problema sa charger na ito ay walang power kahit yung green LED indicator niya, ayaw niyang umilaw makikita ito malapit sa charging cable niya.

Subukan natin na kung bakit ayaw umandar kahit i-plug mo sa AC power line na extension outlet.

Simulan na natin i-check sa area ng power plug receptacle na kung saan katabi niya ang mga fuse, inductor coil, thermal resistor at bridge rectifier diode. Ang gagamitin natin pangsuri ay ang simple continuity tester na ginawa ko o kaya gamitin mo ang analog o digital multitester na naka-set sa buzzer mode.


Narito ang inductor coil may apat na lead wire pero putol ang isa nito.

Gamitin ang small cutter blade o anumang uri ng panggasgas na alam mo na pwedeng alisin ang naka-coated na ginto bilang insulator niya.

Subukan mo uli ang mga apat lead wire niya gamit ang analog multi-tester na nakalagay sa pangsukat ng resistance at naka-set sa range na x1 o kaya naka-set sa buzzer mode. Subalit kung digital multitester naman ang gamit mo pwede na rin ang resistance o buzzer mode.

Ilagay mo na uli sa pwesto niya ang inductor coil na may apat na lead wire gamit ang soldering iron at lead wire. Ang kagandahan lang sa printed circuit board o PCB na ito ay madali mong matanggal at idugtong uli sa panghinang kahit na made in China pa ito. Yung nga lang generic ang laptop adaptor o charger.

Subukan uli ang laptop adaptor o charger kung may aberya pa ito.

Paalala lang uli mga ka-TAG, kung umandar ng maayos itong laptop adaptor o charger, ingat sa electrolytic capacitor nito dahil may kuryente pa sa loob matapos mong i-plug out sa extension outlet.