Hello po mga ka-TAG, naka-encountered na ba kayo ng mga electronic devices o appliances pagkatapos mo ma-i-plug sa electrical outlet ay umaandar na siya ng maayos. Subalit bigla na lang mag-te-turn off matapos mong hilahin papunta sa iyo👍, o kaya kung minsan ang walang magawa na pusa na laging takbo na takbo😸, nahila niya ng bahagya ang power cord namamatay na😁, pero naka-plug naman. Ito ang karaniwang problema sa mga power cord napuputol sa loob ng insulated flat wire.
Suriin natin muna ang power cord sa pamamagitan ng digital tester na naka-set sa Ohm o resistance. Pwede naman analog tester kung meron ka.
Mas maganda ang test probe mo ay aligator clip, upang makita mo ng maayos ang resulta sa screen.
Kita naman kung babaluktutin nanawala na ang electrical current connection ng digital tester.
Subukan natin putulin ang power plug at balatan ang mga dalawang insulated stranded wire gamit ang wire stripper.
Subukan uli na i-test👀 ang mga dalawang wire sa digital tester para makasiguro na wala na iba pang bahagi na putol👍.
Ito na pinalitan ko na ng bagong non-polarized power plug, para makita ninyo ang pag-andar ng floor fan.
Ito ang aking video at inyong panoorin.


























































