Itong Camel wall fan po mag ka-Tag ang kanyang pulling cord hindi mo mahila sapagkat parang may naka-locked sa loob mismo ng rotary speed control switch.
Subalit kung pipihitin mo ang kanyang rotary knob may maririnig kang tunog na lumalagitik gayundin mararamdam mo ang kanyang pagsikdo o vibration sa iyong mga dalawang daliri. Talagang ayaw ni pulling cord na pahilahin siya, tila yata nagmamaktol sa loob ng rotary speed control switch.๐
Tignan natin muna at basahin ang kanyang mga dalawang label sa likod niya.
Sisimulan ko na ang pagtanggal ng mga tatlong screw ng kanyang back cover.
Susuriin mo muna ang kanyang kalagayan kung papaano siyang umaandar at ano ang dahilan kung bakit ayaw niyang pahila.
Tanggalin muna ang kanyang rotary knob bago ang rotary speed control switch sa loob.
Ngayon nakita natin na putol pala ang kanyang steel spring, na siyang humihila ng pataas pagkatapos mahila siya ng pababa. Ganyan ang kanyang trabaho taga-hila siya ng pataas ayaw niya pababa, parang yung kanta ng mga sexbomb dancers na spaghetti pataas, spaghetti pababa.๐
Ilagay natin uli ang dating steel spring niya, hinila ko ang magkabilang dulo para humaba siya ng sakto sa dati niya haba. Ngunit may kahirapan lang ang paglalagay ng steel spring niya dahil hindi naman ako bumili ng bago.
Pagkatapos sa pinagpilitan natin paglalagay ng dati niyang steel spring, ngayon nasasaksihan natin kung papaano siya umandar pagka siya hinihila ng pababa.
Ibabalik natin uli sa dati niyang posisyon kung saan siyang nararapat sa pamamagitan ng dalawang screw bilang kanyang mga trangkahan.
Dumako tayo sa huling pagsubok ng kanyang pulling cord sa speed control switch kung aandar o hindi ang kanyang blade fan.
Ito ang video ko at inyong panoorin.








































