This will serve as a guide to beginners or fellow technicians and software users who want to get information about their current repair of devices or equipment. Hopefully you satisfied in my shared ideas and past experienced.
Goodday po mga ka-TAG, naka-encounter ka ba na ayaw gumalaw sa pakaliwa at pakanan o vice versa matapos mong pindutin ang oscillator knob niya. Dito mo malalaman na gaano kadali palitan ang nasirang gear box niya.
Simulan mong tanggalin ang mga dalawang controller knobs sa bahaging itaas ng motor, pagkatapos ang tornilyo sa likod ng back casing.
Suriin ang gearbox kung ano ang kanyang problema, kung bakit tila yata nahihiwalay ang back cover sa likod ng motor. Ngunit meron palang lamat o crack ang isa sa mga tagahawak niya ng tornilyo ng gearbox. Maaaring ang sanhi na kung bakit may lamat siya, dahil sa malakas na pagpindut sa oscillator knob o kaya naman hinahawakan pa ang back cover sa tuwing pinipindot ang oscillator knob.
Subalit bago mo alisin ang buong gearbox, tanggalin ang mga nakadikit na rotary speed control switch at non-polarized capacitor.
Ang composition ng nasirang gearbox ay gawa sa thermoplastic kaya madali siyang maputol o mabasag depende sa epekto ng lakas ng pagpalo o hampas. Kaya nakabili ako ng aluminum metal na gearbox kaysa sa plastic para tumagal naman at hindi nasisira agad ang casing niya.
Ikabit ang bagong gearbox sa likod ng motor sa pamamagitan ng tatlong tornilyo gamit ang philip screw driver, pero yung isang tornilyo na may clip huwag kalimutan isama sa pagdudugtong.
Ilagay mo uli ang rotary speed control switch niya sa bahaging itaas ng gearbox sa pamamagitan ng dalawang tornilyo gamit ang philip screw driver. Ayusin mabuti ang mga kawad niya sa dati niyang ayos bago mo ito tinanggal upang maiwasan ang anumang pagkaipit alinman sa kanila. Ilagay mo rin ang non-polarized capacitor sa dati niyang pwesto.
Ang kanyang dulong bahagi ng oscillator rod ay ikabit mo na rin sa crankshaft ng gearbox.
Ngayon subukan mo uli ang motor fan gayundin ang oscillator knob niya kung maayos ba o hindi ang kanyang andar ng pagkampay.
Hello po mga ka-TAG👋, dadako na naman tayo na kung papaano mag-install ng motor winding sa electric fan. Malalaman mo dito ang motor ng bentilador o electric fan ay kailangan mo na palitan ang motor winding niya pagka-mahina na magpaikot ng rotor, kahit pinalitan mo na ng bagong non-polarized capacitor. Ngunit kung unang beses o first time mo lang bibili ng ganitong motor winding sa Motor Rewinding Shop dapat dala mo ang dating sirang motor winding, kasi sinusukat nila yan kung anong size ng rotor ang ginagamit ng electric fan na inaayos mo👍.
Suriin natin ngayon ang bagong motor winding ito, upang malaman ang mga ibat-ibang speed nila sa pamamagitan ng pag-check ng kanilang resistance value gamit ang digital tester. Ang resistance value ng red wire ay 411 ohm.
Ang resistance value ng white wire ay 561 ohm.
Ang resistance value ng black wire ay 486 ohm.
Kaya dapat mo tandaan ito kung ang resistance value ay mataas ibig sabihin mabagal ang speed rotation ng blade fan, gayundin ang kabaligtaran nito mababa ang resistance value ibig sabihin mabilis ang speed rotation ng blade fan.
Pagkatapos mo masuri ang mga iyon, ilagay mo na sa motor housing niya ang motor winding sa tamang posisyon niya kung papaano mo nakita ang motor bago mo ito pagtanggal-tanggalin ang buong electric fan.
Siguraduhin na mahigpit ang pagkalagay ng mga apat na screw bolts at hexnut gamit ang philip screwdriver. Kung minsan sa sobrang sikip niya ang shafting ng blade fan hindi makaikot ng mabilis dahil sa dalawang rotor spacer sa loob.
Alam ninyo ang gawain na sobrang sikip hindi maganda sa lahat ng uri na aspeto o asta? tulad ng pasusuot ng masikip na underwear gayundin sa sapatos o panlabas na kasuotan. Lalo't lalo na ang over capacity sa anumang uri ng sasakyan kaya sikipan na.
Tapos i-connect na natin ang non-polarized capacitor sa dalawang dilaw na kawad. Dapat maayos din ang pagka-splice niya, hindi siya madaling matanggal kung mahila man. Kaya gumamit ng electrical tape para sa insulation ng mga naka-splice.
Ihanda ang leeg na may oscillator rod para ipasok ang mga kawad at spindle bolt ng motor. Huwag kalimutan lagyan ng grasa ang crankshaft ng gearbox para sa oscillator rod. Pagkatapos mo madugtong ang leeg sa motor, ipasok muna ang mga apat na kawad o wires sa loob ng neck holder na may malaking butas bago ang buong leeg niya. Kaalinsabay nito ipasok mo ang buntot ng elevation spring sa kaliwang bahagi na may butas sa loob ng neck holder. Kung nakapantay na ang butas ng taga-hawak at ang butas ng leeg, ipasok muna ang elevation bolt at hexnut, higpitan ng tama gamit ang Philip screw driver.
Gumamit ng panghinang upang idugtog ang mga tatlong kawad sa push button na speed control switch. Ang kagandahan sa speed control switch na ito ay may naka-markang mga numero para speed level.
Ang huling splicing ay ang white at green wire para sa naka-closed end splice connector, tapos ipitin sa loob niya gamit ang long nose plier.
Ilagay mo sa loob ng switch box ang push button na speed control switch at ikabit mo na rin ang mga dalawang screw upang maiwasan ang pagluwag ng buong switch.
I-check muna ang mga push button na speed control switch sa pamamagitan ng power cord na naka-connect sa test probe na may aligator clip ng digital tester👀.
Ilagay mo na ang takip ng switch box sa pamamagitan ng mga limang tornilyo. Pagkatapos isasak sa base na may tatlong clip at i-lock gamit ang mga dalawang base fixing screw. Ang kapakinabangan ng base na ito upang maiwasan ang tubig kung sakali dadaan sa ilalim niya at hindi ka makukuryente👍.
Subukan muna bago ito tapusin kung mayroon nagpapa-aberya sa iba pang bahagi ng desk fan. May karagdagan pa ako mga ka-TAG, kung sakali maputol ang thermal fuse niya palitan ng bagong replacement at huwag idugtog o i-jumper para umandar ang motor winding. Subalit kung gagawin ninyo yun, kawawa naman ang masusunugan ng bahay👈.
Goodday po mga ka-tag, nakakita na kayo ng ganitong international GEEPAS brand sa middle east? Bago tayo dumako sa repair tignan natin ang kanyang label of specifications.
Sinubukan ko maghanap ng katulad nito sa Motor-Rewinding Shop kung meron sila. Subalit may kaunting problema lang sa taga-hawak ng oscillator rod, maiksi ang haba niya kumpara sa dati niyang leeg may kahabahan. Ngunit sa kabutihang palad, naka-swerte lang kasi ito lang ang inimungkahi ng tindero na magkahawig ng kaunti.
Ihanda ang tilting pin at spring upang ipasok sa loob ng neck holder sa kanan bahagi niya na may butas.
Ipasok din ang tilting plate sa ilalim at sa kanan bahagi ng leeg.
Ipasok ang elevation spring niya sa kaliwang bahagi ng leeg. Pagkatapos ipasok mo na sa neck holder, siguraduhin yung buntot ng elevation spring ay nakasabay sa kaliwang bahagi na may butas.
Kung nakapantay o naka-aligned na ang butas ng taga-hawak at ang butas ng leeg, ipasok muna ang elevation bolt at hexnut, higpitan ng tama gamit ang Philip screw driver. Kung pakikinggan mo ng hindi maayos ang sinasabi kong ito, iba ang sumasagi sa isip ng iba.
Ihanda mo na ang mga apat na kawad ng motor upang ipasok sa gitna ng leeg na may butas patuloy hanggang sa maabot ang speed control switch. Kaalinsabay nito ipasok ang spindle bolt na may grasa na, sa tubo ng leeg.
Ngayon ang dating oscillator rod niya hindi maabot ang maiksing taga-hawak sa kanya. Kaya naghanap ako ng iba pang oscillator rod tulad nito.
Subalit may kaluwagan ang nasa ibaba ng butas ng oscillator rod. Naglagay ako ng dalawang pirasong washer na sakto ang butas nila sa taga-hawak ng oscillator rod. Siguraduhin din ito may washer din yung screw niya gayundin sa crankshaft niya sa bahagi ibaba ng gearbox.
Isinulat ko pa sa papel ang mga colored coded wires sa speed control switch kaysa gagamit na naman ako ng digital multitester upang tanthin o alamin ang kanilang speed level. Pero yung naka-closed end splice connector ay para sa black wire at ang power cord na may kasamang blue wire.
Ilagay mo sa loob ng switch box ang push button na speed control switch at ikabit mo na rin ang mga dalawang screw upang maiwasan ang paghagpos (lumuluwag) ng buong switch.
Subukan muna bago ito tapusin kung mayroon nagpapa-aberya sa iba pang bahagi ng desk fan.
Nasolusyunan na natin ang sirang leeg niya kahit sa ibang bansa pa itong desk fan. Kaya ang sabi nga sa kanta ni Rico Blanco na "Kung ayaw, may dahilan, kung gusto, palaging mayro'ng paraan".
Good day po mag ka-TAG, ang ganitong nasunog ng motor winding nakakita ka na ba? Kaya nangitim ang dalawang bahagi niya dahil sa over current ng kuryente👎. Gaya ng hindi maayos na paggamit ng martilyo imbes na ang ulo ng pako ang pukpukin, yung daliri ang napukpok mo at mangingitim na sa sakit.😄👍
Itong mga dalawang magkahiwalay na stranded wires ay para sa non-polarized capacitor.
Ang mga iba pang natitirang apat na stranded wire o kawad ay para sa power source.
Pwede mo masuri ang mga resistance value ng mga tatlong stranded wires o kawad na ginagamit sa speed control switch sa pamamagitan ng digital tester o multimeter naka-set sa ohm o resistance range.
Subalit may isa pang palatandaan na makikita mo ay ang mga mababang resistance value nila ng mga tatlong speed level ng mga stranded wire o kawad👍.
Tandaan mga ka-TAG, kahit hindi mo tanggalin ang motor winding sa pamamagitan lang ng power plug at ang rotary o push-button speed control switch ay masusuri mo na sa iyong digital tester na naka-set sa Ohm o resistance range. Dito mo malalaman ang kanilang mababang resistance value maliban na lang kung hindi pa putol ang thermal fuse niya👍.