Goodday po mga ka-TAG, naka-encounter ka ba na ayaw gumalaw sa pakaliwa at pakanan o vice versa matapos mong pindutin ang oscillator knob niya. Dito mo malalaman na gaano kadali palitan ang nasirang gear box niya.
Simulan mong tanggalin ang mga dalawang controller knobs sa bahaging itaas ng motor, pagkatapos ang tornilyo sa likod ng back casing.
Suriin ang gearbox kung ano ang kanyang problema, kung bakit tila yata nahihiwalay ang back cover sa likod ng motor. Ngunit meron palang lamat o crack ang isa sa mga tagahawak niya ng tornilyo ng gearbox. Maaaring ang sanhi na kung bakit may lamat siya, dahil sa malakas na pagpindut sa oscillator knob o kaya naman hinahawakan pa ang back cover sa tuwing pinipindot ang oscillator knob.
Subalit bago mo alisin ang buong gearbox, tanggalin ang mga nakadikit na rotary speed control switch at non-polarized capacitor.
Ang composition ng nasirang gearbox ay gawa sa thermoplastic kaya madali siyang maputol o mabasag depende sa epekto ng lakas ng pagpalo o hampas. Kaya nakabili ako ng aluminum metal na gearbox kaysa sa plastic para tumagal naman at hindi nasisira agad ang casing niya.
Ikabit ang bagong gearbox sa likod ng motor sa pamamagitan ng tatlong tornilyo gamit ang philip screw driver, pero yung isang tornilyo na may clip huwag kalimutan isama sa pagdudugtong.
Ilagay mo uli ang rotary speed control switch niya sa bahaging itaas ng gearbox sa pamamagitan ng dalawang tornilyo gamit ang philip screw driver. Ayusin mabuti ang mga kawad niya sa dati niyang ayos bago mo ito tinanggal upang maiwasan ang anumang pagkaipit alinman sa kanila. Ilagay mo rin ang non-polarized capacitor sa dati niyang pwesto.
Ngayon subukan mo uli ang motor fan gayundin ang oscillator knob niya kung maayos ba o hindi ang kanyang andar ng pagkampay.
Narito ang aking video at inyong panoorin ito.












No comments:
Post a Comment