Monday, May 15, 2023

Motor Winding Installation for Matrix Desk Fan [MX-TF251]

Hello po mga ka-TAG👋, dadako na naman tayo na kung papaano mag-install ng motor winding sa electric fan. Malalaman mo dito ang motor ng bentilador o electric fan ay kailangan mo na palitan ang motor winding niya pagka-mahina na magpaikot ng rotor, kahit pinalitan mo na ng bagong non-polarized capacitor. Ngunit kung unang beses o first time mo lang bibili ng ganitong motor winding sa Motor Rewinding Shop dapat dala mo ang dating sirang motor winding, kasi sinusukat nila yan kung anong size ng rotor ang ginagamit ng electric fan na inaayos mo👍.

Suriin natin ngayon ang bagong motor winding ito, upang malaman ang mga ibat-ibang speed nila sa pamamagitan ng pag-check ng kanilang resistance value gamit ang digital tester. Ang resistance value ng red wire ay 411 ohm. 

Ang resistance value ng white wire ay 561 ohm. 

Ang resistance value ng black wire ay 486 ohm. 

Kaya dapat mo tandaan ito kung ang resistance value ay mataas ibig sabihin mabagal ang speed rotation ng blade fan, gayundin ang kabaligtaran nito mababa ang resistance value ibig sabihin mabilis ang speed rotation ng blade fan.

Pagkatapos mo masuri ang mga iyon, ilagay mo na sa motor housing niya ang motor winding sa tamang posisyon niya kung papaano mo nakita ang motor bago mo ito pagtanggal-tanggalin ang buong electric fan.

Siguraduhin na mahigpit ang pagkalagay ng mga apat na screw bolts at hexnut gamit ang philip screwdriver. Kung minsan sa sobrang sikip niya ang shafting ng blade fan hindi makaikot ng mabilis dahil sa dalawang rotor spacer sa loob.

Alam ninyo ang gawain na sobrang sikip hindi maganda sa lahat ng uri na aspeto o asta? tulad ng pasusuot ng masikip na underwear gayundin sa sapatos o panlabas na kasuotan. Lalo't lalo na ang over capacity sa anumang uri ng sasakyan kaya sikipan na.

Tapos i-connect na natin ang non-polarized capacitor sa dalawang dilaw na kawad. Dapat maayos din ang pagka-splice niya, hindi siya madaling matanggal kung mahila man. Kaya gumamit ng electrical tape para sa insulation ng mga naka-splice.

Ihanda ang leeg na may oscillator rod para ipasok ang mga kawad at spindle bolt ng motor. Huwag kalimutan lagyan ng grasa ang crankshaft ng gearbox para sa oscillator rod. Pagkatapos mo madugtong ang leeg sa motor, ipasok muna ang mga apat na kawad o wires sa loob ng neck holder na may malaking butas bago ang buong leeg niya. Kaalinsabay nito ipasok mo ang buntot ng elevation spring sa kaliwang bahagi na may butas sa loob ng neck holder. Kung nakapantay na ang butas ng taga-hawak at ang butas ng leeg, ipasok muna ang elevation bolt at hexnut, higpitan ng tama gamit ang Philip screw driver. 



Gumamit ng panghinang upang idugtog ang mga tatlong kawad sa push button na speed control switch. Ang kagandahan sa speed control switch na ito ay may naka-markang mga numero para speed level.

Ang huling splicing ay ang white at green wire para sa naka-closed end splice connector, tapos ipitin sa loob niya gamit ang long nose plier.

Ilagay mo sa loob ng switch box ang push button na speed control switch at ikabit mo na rin ang mga dalawang screw upang maiwasan ang pagluwag ng buong switch.

I-check muna ang mga push button na speed control switch sa pamamagitan ng power cord na naka-connect sa test probe na may aligator clip ng digital tester👀.

Ilagay mo na ang takip ng switch box sa pamamagitan ng mga limang tornilyo. Pagkatapos isasak sa base na may tatlong clip at i-lock gamit ang mga dalawang base fixing screw. Ang kapakinabangan ng base na ito upang maiwasan ang tubig kung sakali dadaan sa ilalim niya at hindi ka makukuryente👍.


Subukan muna bago ito tapusin kung mayroon nagpapa-aberya sa iba pang bahagi ng desk fan. May karagdagan pa ako mga ka-TAG, kung sakali maputol ang thermal fuse niya palitan ng bagong replacement at huwag idugtog o i-jumper para umandar ang motor winding. Subalit kung gagawin ninyo yun, kawawa naman ang masusunugan ng bahay👈.


Narito ang aking video at inyong panoorin.



No comments:

Post a Comment