Goodday po mga ka-tag, nakakita na kayo ng ganitong international GEEPAS brand sa middle east? Bago tayo dumako sa repair tignan natin ang kanyang label of specifications.
Sinubukan ko maghanap ng katulad nito sa Motor-Rewinding Shop kung meron sila. Subalit may kaunting problema lang sa taga-hawak ng oscillator rod, maiksi ang haba niya kumpara sa dati niyang leeg may kahabahan. Ngunit sa kabutihang palad, naka-swerte lang kasi ito lang ang inimungkahi ng tindero na magkahawig ng kaunti.
Ihanda ang tilting pin at spring upang ipasok sa loob ng neck holder sa kanan bahagi niya na may butas.
Ipasok din ang tilting plate sa ilalim at sa kanan bahagi ng leeg.
Ipasok ang elevation spring niya sa kaliwang bahagi ng leeg. Pagkatapos ipasok mo na sa neck holder, siguraduhin yung buntot ng elevation spring ay nakasabay sa kaliwang bahagi na may butas.
Kung nakapantay o naka-aligned na ang butas ng taga-hawak at ang butas ng leeg, ipasok muna ang elevation bolt at hexnut, higpitan ng tama gamit ang Philip screw driver. Kung pakikinggan mo ng hindi maayos ang sinasabi kong ito, iba ang sumasagi sa isip ng iba.
Ihanda mo na ang mga apat na kawad ng motor upang ipasok sa gitna ng leeg na may butas patuloy hanggang sa maabot ang speed control switch. Kaalinsabay nito ipasok ang spindle bolt na may grasa na, sa tubo ng leeg.
Ngayon ang dating oscillator rod niya hindi maabot ang maiksing taga-hawak sa kanya. Kaya naghanap ako ng iba pang oscillator rod tulad nito.
Subalit may kaluwagan ang nasa ibaba ng butas ng oscillator rod. Naglagay ako ng dalawang pirasong washer na sakto ang butas nila sa taga-hawak ng oscillator rod. Siguraduhin din ito may washer din yung screw niya gayundin sa crankshaft niya sa bahagi ibaba ng gearbox.
Isinulat ko pa sa papel ang mga colored coded wires sa speed control switch kaysa gagamit na naman ako ng digital multitester upang tanthin o alamin ang kanilang speed level. Pero yung naka-closed end splice connector ay para sa black wire at ang power cord na may kasamang blue wire.
Ilagay mo sa loob ng switch box ang push button na speed control switch at ikabit mo na rin ang mga dalawang screw upang maiwasan ang paghagpos (lumuluwag) ng buong switch.
Subukan muna bago ito tapusin kung mayroon nagpapa-aberya sa iba pang bahagi ng desk fan.
Nasolusyunan na natin ang sirang leeg niya kahit sa ibang bansa pa itong desk fan. Kaya ang sabi nga sa kanta ni Rico Blanco na "Kung ayaw, may dahilan, kung gusto, palaging mayro'ng paraan".
Narito ang video ko at inyong panoorin.















No comments:
Post a Comment