Bago po tayo dumako sa repair mga ka-TAG, alamin muna natin ang nakasulat sa label of specification ng electric stand fan.
Simulan na natin ang pagtatanggal sa mga natitirang parte na nakadikit sa motor fan.
Una sa lahat ang oscillator knob, dapat gumamit ka dito ng small screwdriver upang makatulong sa pagbuka ng kanyang pang-ipit.
Pangalawa ang back cover niya na may tornilyo sa likod at sa gitnang bahagi ay kailangan tanggalin.
Pangatlo ang front cover niya ay dapat maalis agad ang dalawang tornilyo gamit ang Philip screwdriver upang hindi siya makakasagabal sa tatlong pang-ipit ng hawakan ng bushing sa bahaging harapan ng motor fan.
Pang-apat ang oscillator rod niya ay dapat din maalis sa pagkakahawak niya sa crankshaft ng gearbox.
Pang-lima ang Wires Holder niya ay dapat din maalis upang hindi makakasagabal sa Motor Winding kapag tinanggal at ikinabit ang hawakan ng bushing sa bahaging likuran ng motor fan.
Pang-anim ang Shaft Pin o aspili ng baras ay dapat din maalis upang hindi makakasagabal sa pagtanggal ng shaft na may rotor pagka-hinila ito papasok sa bushing niya.
Pang-pito ang non-polarized capacitor ay dapat din maalis sa pagkadikit niya sa gearbox upang hindi makakasagabal sa Motor Winding.
Pang-walo ang mga apat na Screw Bolts at Hexnut ay dapat din maalis kapag tinanggal ang mga taga-hawak ng motor winding, gayundin maalis mo na rin ang shaft na may rotor sa loob niya.
Ang isang screw na nagsisilbing pangkasa ay dapat paluwagin gamit ang Philip screwdriver upang maalis ang spindle bolt ng holder ng motor winding.
Gumamit ng small flat screwdriver para maalis mo ang mga tatlong pang-ipit ng bushing holder niya. Dahan-dahan lang sa tuwing inaalis mo ang mga ito baka maputol, pwede naman bumili ng ganyan bushing holder pagka nasira mo ang mga pang-ipit.
Ngayon ilagay mo ang bagong replacement na bushing sa tagahawak niya. Ngunit kung gusto mo na tamang-tama ang pagkalagay ng bushing, gumamit ka ng ganitong lapad na kahoy at kapirasong kahon na nagsisilbing pangtulak sa tagahawak ng bushing. Gumamit ka lang ng dalawang pirasong screw upang idikit sa malapad na kahoy.
Kung nasa tamang gitna na ang bushing at ang tagahawak niya, ikasa o i-lock muna ang mga tatlong pang-ipit niya gamit ang maliit at malaking flat na screwdriver.
Pagkatapos sa harapan niya, punta ka rin sa kabilang bushing para palitan mo na rin ito. Nagtataka kayo kung bakit pinalitan ko ang mga magkabilang dulo dahil kailangan mo siguraduhin na makinis ang ikot ng shaft sa tuwing umiikot ang rotor niya, dahil may kaluwangan na ang mga butas nila.
Bago mo palitan ang shafting o baras niya, dapat mong lagyan ng kalahating lapad na masking tape ang nasa harapan ng rotor upang masukat mong sakto sa bagong baras ipapalit mo.
Pagkatapos mong pinalitan ng bagong baras o shafting, ilagay mo na uli ang mga dalawang spacers gayundin ang mga washers niya.
I-check mo ang motor winding niya kung buo o putol na ang thermal fuse gamit ang analog tester, dapat naka-set siya sa pangsukat ng resistance nasa range na x10 o 2K ohms kung digital tester naman ang gamit mo. Kung putol dito mo na isagawa ang pagkakalas sa mga tali ng thermal fuse gamit ang small cutter plier, pero ingat lang sa pagtatanggal ng tali baka magasgasan ang mga motor windings.
Eto na ang nasirang thermal fuse na hugis parisukat, subukan natin i-test sa analog tester. Subalit naputol na ang kanyang lead wire, ayaw na niyang suriin siya.
Bago natin palitan ang thermal fuse, idugtog muna pansamantala ang dalawang naputol na kawad at suriin ang mga speed nila ng bawat motor windings. Kung umaandar pa o hindi gamit ang digital tester na naka-set sa pangsukat ng resistance nasa 2000 ohms.
Kung nakita mo na ang mga tatlong speed windings ay maayos ang andar nila, kailangan mo na ilagay ang bagong thermal fuse na kung saan pwesto mo tinanggal ang dating nasirang thermal fuse.
Upang maiwasan madikitan ang dalawang lead wire ng thermal fuse, gumamit ng walang laman na reservoir o chamber ng tinta ng ballpen upang gawing insulator o kaya naman yung insulator wire ang kunin mo kung may reserba ka. After mo na naidugtong ang thermal fuse na 2 amperes, i-check mo uli kung may connection siya para sa tatlong speed windings gamit ang digital tester.
Kung sigurado kana, takpan mo ng electrical tape ang mga pagkadugtong nila at lagyan mo ng cable tie uli ang thermal fuse.
Ngayon pagkabit-kabitan mo na uli ang mga parte ng motor fan. Kung minsan mas nauuna ang back shaft o ang likuran ng baras kaysa sa front shaft. Ngunit mali pa rin yun, dapat mauna ipasok ang front shaft kaysa back shaft. Nakita ninyo ang ginawa ko sa pagpasok ko sa back shaft, kaya mahihirapan kang ipasok ang front shaft kung nauna ang back shaft.
Ingat rin sa mga bolt screw na ito, kung minsan hindi pantay ang mga magkabilang taga-hawak ng motor windings kaya nahihirapan umikot ang shaft at rotor dahil hindi pantay ang mga apat na butas ng mga takip nila.
Eto na ang resulta ng mga tatlong bagong replacement ng motor fan niya.





















No comments:
Post a Comment