Wednesday, June 26, 2024

Broken Pull Chain of 250vAC 3A SAKURA Bulb Socket Adapter [SKR 104]

Good day po mga ka-TAG, siguro nakakita na kayo ng ganitong bokilya ng bombilya na may dalawang polarized flat pin outlets. Subalit naputol ang pull chain niya mula sa loob ng bokilya dahil sa matagal na paulit-ulit na paghila sa pull chain niya.


Tanggalin muna ang aluminum thread sa taas niya, siguraduhin kung may dalawang bingaw o notch sa gawing itaas o wala madali muna matanggal iyan.



Alisin ang tornilyo sa gitna ng dalawang polarized flat pin sa pammamagitan ng small philip screwdriver.

Pagkatapos hilahin mo ng pahiwalay ang dalawang socket shell niya upang makita mo ang nasa loob nito.

Bago natin idugtong ang pull chain alisin muna ang inner aluminum socket piece na may dalawang copper pin. Kaya ito ang nagsisilbing neutral connection para sa naka-markang ribs sa zip cord o power cord.

Kung nakita mo na ang hook o kawit niya, iluwang ng konti para maipasok mo ng maayos ang pull chain gamit ang small long nose plier.

Kung unang beses mo lang maglalagay ng ganitong pull chain, subukan mo ang mga ibat-ibang paraan na alam mo upang mailagay mo ng maayos ang pull chain. Dito mo matutuklasan kung ano ang madaling paraan upang maikawit mo.

Kung tagumpay na ang pagkakawit niya, isara mo na ito gamit ang small long nose plier. Ipitin ng konti para hindi na niya matanggal gaya ng isang alimago na umipit sa iyo na ayaw ka niya pakawalan dahil gusto ka niya😆.

Ilagay uli ang inner aluminum socket piece na may dalawang copper pin at subukan ang pulling switch kung maayos na ba o hindi.

Pagkatapos ilagay mo na ang kanyang kalahating socket shell upang takpan mo gayundin ang aluminum thread sa taas niya.


Kung hindi pa nakabaon ang mga notch niya, kaya lagyan mo ng dalawa gamit ang small flat screwdriver.

Subukan sa multi-tester mo na naka-set sa pangsukat ng resistance, Kung may connection o wala at siguraduhin hindi ito shorted bago mo subukan sa AC power line sa outlet.


Subukan mo sa AC power line para makita ang resulta. 


Narito ang aking video at inyong panoorin ito.



No comments:

Post a Comment