Wednesday, November 2, 2022

Wrong Thread of Shafting Installation of Matrix Desk Fan [MX-TF251]

Nakakita po kayo mga ka-Tag ng ganitong problema sa gear box niya? Pagka naka-turn on ang kanyang oscillator knob holder, aandar na ang kanyang oscillator rod makikita nasa ibaba ng gear box. 

Ngunit mapapansin ninyo na sandali lang siya pagkatapos umandar kaalinsabay nito may maririnig kang tunog na lumalagitik sa loob ng gear box.

Tignan ninyo mabuti ang nasa butas ng gear box, may dalawang enggranahe o gear na magkadikit ay ang white gear at ang thread ng baras o shaft. Subalit kung papa-andarin na ang desk fan, ang white gear sa loob ng gear box ay hindi maka-ikot ng maayos habang umiikot naman ang thread ng baras. Tila yata hindi magkasundo ang mga dalawang ito sa kanilang trabaho😅, bakit kaya😕?

Kailangan mo tanggaling ang mga apat na screw bolt ng motor housing niya upang matanggal ang rotor na may baras o shaft sa loob ng motor.


Suriin mabuti ang thread ng baras o shaft at ihambing sa iba pang baras na may parehong rotor kung mayroon kang reserbang ganito. Ngayon mapapansin ninyo na may pagkakaiba pala ang mga thread ng baras, may manipis at magaspang.

Tanggaling ang mga dalawang internal fans kasama na rin ang mga washer ng baras o shaft upang ilipat sa rough o magaspang na thread ng baras.

Pagkatapos mo mailipat ang mga iyon, ibalik mo muli ang baras o shaft sa loob ng motor. Oops! teka muna, unahin mo ipasok ang front shaft bago ang back shaft. Parang ganito lang yan kahit sa tao👍, kailangan unahin muna ang mga senior bago ang mga junior sa anumang uri ng tansaksiyon😅.

Ngayon subukan natin pa-andarin uli, kung magkasundo na ang mga dalawang enggranahe😅.

Talagang gusto niya ang magaspang na thread ng baras kaysa manipis na thread ng baras.

Yan ang magandang resulta pagka-ayaw niya pa-sway sway o umi-indayog ang electric fan kailangan palitan mo ang thread ng baras, kung minsan naman ang may problema ang gear box o oscillator rod.

Ito ang video ko at inyong panoorin.



No comments:

Post a Comment