Good day po mga ka-TAG, naka-ilan ka ba ng laptop adaptor para sa laptop o netbook nang dumating ang oras na ayaw na niyang magcharge o walang kuryente inilalabas?
Tulad nitong pang-sony laptop adaptor ayaw na niyang magcharge pero ang kanyang power cord o zip cord ay okay naman wala siyang putol. Nakikita ninyo ngayon habang naka-plug in sa power outlet may kuryente naman ang dalawang butas na semi-round plug nito.
Dumako na naman tayo sa pagtatanggal ng adaptor shell o casing niya, ingat lang sa pagbubukas nito pagkatapos mong i-plug in sa power outlet dahil ang mga electrolytic capacitors na nasa loob may kuryente pa. Sapagkat parang mga pansamantalang batterya na nagkaroon ng kuryente matapos silang ma-charge.
Alisin ang buong main board o PCB niya gamit ang small longnose plier, upang maiwasan mong hawakan ang aluminum heat sink niya at hindi ka makukuryente sa mga electrolytic capacitor nito. Kaya mas maigi na mag-ingat kaysa walang ingat, alin ba sa kanila ang gusto ninyo mga ka-TAG?
Narito ang buong anyo ng mga nakakonektang electronic components matapos tanggalin ko ang natatakpan na insulated foam.
Ngayon nakabili ako ng bagong sony laptop adaptor subalit may pagkakaiba pala ang kanilang DC plug. Hindi mo talaga magagamit ang bagong laptop adaptor ito kung ang DC plug nito ay may kalakihan.
Ito ang naisip kong paraan upang magamit ko ito ay buksan ang adaptor shell o casing para tanggaling ang buong DC cable niya.
Alisin ang buong main board o PCB niya sa pagkakadikit niya sa kalahating adaptor shell o casing. Alamin mo na rin ang mga dalawang colored coded wires ng DC cable nito gayundin ang mga naka-markang polarized sa pagkakakonekta nila sa PCB.
Alisin mo ang kanilang pagkakahinang ng dalawang kawad na ito gamit ang desoldering pump at soldering iron. Kung mayroon kang 2 in 1 desoldering iron isang kamay na lang ang gagamitin mo dito.
Marunong naman makisama pala ang buong main board o PCB nito, hindi ako pinahirapan tanggalin ang kanilang pagkakahinang kaysa sa ibang PCB na-encountered ko.
Yung naman dating sony laptop adaptor ay kailangan mo na rin alisin ang kanilang pagkakahinang sa PCB ang DC cable nito. Dahil ito ang gagamitin mong pamalit sa bagong sony laptop adaptor.
Alamin ang mga polarized cable nito kung alin sa kanila ang positive at negative gamit ang analog multitester na nakalagay sa pangsukat ng resistance at naka-set sa range na x1. Subalit kung digital multitester naman ang gamit mo pwede na rin ang resistance o buzzer mode.
Pagkatapos mong alamin ang kanilang polarized connection, idugtong mo na ang mga dalawang kawad na ito gamit ang panghinang at lead wire. Ingat lang pagdudugtong sa kanila baka magkakaroon ng short circuit.
Lagyan mo ng melting glue stick ang mga dalawang kawad nito upang hindi maputol agad dahil wala na silang insulator.
Ilagay mo na uli ang kanyang adaptor shell o casing niya para subukan uli paandarin sa power outlet.
Suriin ang inilalabas niyang boltahe kung ilan talaga, gamit ang digital multitester na nakalagay sa pangsukat ng direct current at naka-set sa 20 volts.
Subukan i-plug in sa sony laptop kung kaya ba niya ang output ng sony laptop adaptor.




















No comments:
Post a Comment